Ayon kay Lopez, mahigpit na ipinagbabawal ang oblation run sa kahit anong bahagi sa Maynila dahil na rin sa umiiral na city ordinance.
Iginiit pa nito na bagamat binibigyang laya sa loob ng campus ng UP sa Quezon City ang oblation run bilang pagpapahayag ng academic freedom of expression ay mahigpit naman itong tinututulan sa Maynila.
Isang direkta din umanong paglabag sa umiiral na criminal law ang ginawang pagtakbo ng hubot-hubad ng mga kinatawan mula sa UP noong Setyembre 24, 2006 habang nagsasagawa ng bar exam sa Dela Salle University.
Dapat umanong ang kapulisan o ang mga tauhan ng MPD ang unang gumawa ng hakbang sa pamamagitan ng pag-aresto sa mga nagsitakbo dahil ang mga nakibahagi umano dito ay nagkasala na sa batas magmula sa mga organizers at mga direktang participants. (Gemma Amargo Garcia)