Statistic office, nasunog
October 4, 2006 | 12:00am
Tinupok ng may isang oras na sunog ang gusali ng National Statistic Office branch sa Sta. Mesa, Maynla kung saan umaabot sa P3 milyong ari-arian ang nasira kahapon ng madaling-araw.
Dakong alas-2:50 ng madaling-araw nang sumiklab ang apoy sa ikaapat na palapag ng Soledad Bldg. sa panulukan ng De Dios St. at Ramon Magsaysay Blvd. sa Sta. Mesa.
Umabot sa ikalimang alarma ang naturang apoy at nagawa lamang maapula ng mga pamatay sunog matapos ang isang oras.
Ayon sa mga imbestigador, pangunahin nilang tinututukan ang posibilidad na faulty electrical wiring ang pinagmulan ng sunog dahil sa kalumaan na rin ng gusali.
Sinabi naman ni NSO Administrator Carmelita Ericta na walang dapat ikabahala ang publiko dahil sa nailipat na umano ang mga importanteng dokumento kabilang na ang mga birth certificates sa kanilang pangunahing tanggapan sa Quezon City.
Inaalam naman ngayon ng mga awtoridad ang posibilidad na sinadya ang naturang sunog. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended