4 miyembro ng robbery/hold-up gang tiklo
October 3, 2006 | 12:00am
Nasakote ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang apat na miyembro ng robbery/hold-up gang kabilang ang anak ng isang retiradong pulis sa operasyon sa Pasay City.
Nakilala ang mga suspect na sina Jonathan Perez, anak ng isang retiradong pulis; Dindo Borromeo, Richard Reta at Davidson Estores. Nasamsam mula sa mga ito ang isang kulay gray na Mercedes Benz na may plakang UST-620 na ginagamit ng grupo sa panghoholdap, 1 cal. 38 paltik, ilang mga cellphone at mga wallet mula sa kanilang mga biktima.
Nabatid na hinoldap ng grupo sina Ariel Macaru, 22, ng San Pedro, Laguna at Ryan Luciano, 22, ng Navotas, Manila, pawang mga empleyado ng Crewsever Inc. habang papasok ng trabaho. Ilang sandali pa ay namataan ng mga awtoridad ang sasakyan ng mga suspect sa Salud St., Pasay City dahilan para masakote ang mga suspect. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended