^

Metro

Kamay na bakal vs may-ari ng mga billboard – BF

-
Bunga ng pananalanta ng bagyong Milenyo sa Kalakhang Maynila, nagdeklara ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng "kamay na bakal " laban sa mga may-ari ng mga billboards nang ipahayag ni Chairman Bayani Fernando, na wala ng nego-negosasyon dahil babaklasin na ang lahat ng mga naglalakihang billboards.

Ang hakbangin ng MMDA ay matapos silang atasan o bigyan ng "go signal" ng Malacañang, na ang naturang ahensiya na ang may karapatang kumastigo at mamahala lalu na kung ang usapin ay may kaugnayan sa mga billboards.

Kung saan napuno na ang Malacanang lalu na ang MMDA laban sa mga taong responsable sa mga naglalakihang billboards, na nagdulot ng matinding pinsala sa kasagsagan ng bagyong Milenyo.

Dahil dito, may nagbuwis ng buhay, may mga nawasak na ari-arian at nagdulot ng ilang araw na matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa ilang pangunahing lansangan ng Metro Manila lalu na sa kahabaan ng Edsa Avenue.

Bunga nito, ipatutupad naman ng MMDA ang kamay na bakal sa lahat ng mga taong responsable sa pagpapatayo ng mga billboards kung saan sisimulan na nila ang operation baklas laban sa mga naglalakihang billboards sa Kalakhang Maynila.

Ayon sa ahensiya, wala nang nego-negosasyon sa mga may-ari ng billboards kahit pa aniya binigyan sila ng permit ng Local Government Unit (LGU) at ginastusan nila ito ng milyong piso. Ang isinasaalang-alang ngayon ng MMDA ay ang kaligtasan ng publiko at para aniya di na muling maulit ang dinudulot na trahedya ng nakakapinsalang mga billboards. (Lordeth Bonilla)

BILLBOARDS

BUNGA

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

EDSA AVENUE

KALAKHANG MAYNILA

LOCAL GOVERNMENT UNIT

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with