Binatilyo, utas sa resbak
October 2, 2006 | 12:00am
Patay ang isang binatilyo na pinaniniwalaang kabilang sa isang gang matapos na resbakan at barilin ng limang suspect sa tapat ng isang bar kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Alejandro Balingit III, 14, estudyante at residente ng no. 2034-70 Adriatico St. Malate, Maynila.
Samantalang, patuloy namang pinaghahanap ngayon ng pulisya ang limang suspect na pawang armado ng mga sumpak.
Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Edmundo Cabal, dakong alas-10:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng isang bar sa panulukan ng Alonzo at Jorge Bocobo St. Malate.
Nakatambay sa lugar ang biktima kasama ang ilan pang kabarkada nang lapitan ng limang suspect. Dito ay tinanong ng mga suspect ang grupo ng biktima ng "mga siga ba kayo?"
Hindi pa nakakasagot ang grupo ng biktima nang bigla na lamang paputukan ng mga suspect si Balingit sa leeg kung saan nagtakbuhan naman ang mga kasama nito.
Matapos makitang naliligo sa sariling dugo ang biktima ay saka nagsitakas ang mga suspect. Lumilitaw na niresbakan ng mga suspect ang grupo ng mga biktima matapos na makaengkuwentro kamakailan. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest