^

Metro

Pagtatanim ng puno sa sidewalk, center island itigil

-
Matapos na magbagsakan ang mga puno dulot ng bagyong Milenyo at makapinsala, hinikayat ni Parañaque Vice Mayor Anjo Yllana ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tigilan na ang pagtatanim ng puno ng narra at acacia sa sidewalks at center island ng mga highways.

Ayon kay Yllana, ang mga sidewalks at center islands ay hindi tamang lugar upang taniman ng mga puno dahil na rin sa limitadong espasyo at lupa nito.

Bagama’t tumutubo ang puno sa mga nasabing lugar, hindi naman makakaya ng lupa nito na suportahan ang ugat ng puno upang maging matatag lalo pa’t sa panahon ng bagyo tulad na rin ng ginawang hagupit ni Milenyo.

Sinabi ni Yllana na makabubuti pa umanong maglagay na lamang ng mga ornamental plants na magiging bahagi ng beautification drive at magbibigay ng seguridad sa publiko.

Daan-daang puno ang nabunot nang daanan ni "Milenyo" noong Huwebes at bumagsak sa mga kawad ng kuryente na nagdulot din ng pagkawala ng kuryente sa Metro Manila.

Maging ang nagbagsakang billboards ay nakadagdag pa pagsisikip ng daloy ng trapiko sa ilang pangunahing lansangan. (Lordeth Bonilla)

AYON

BAGAMA

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MILENYO

VICE MAYOR ANJO YLLANA

YLLANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with