Sa mga bumagsak na billboard may ari dapat managot! MMDA
October 1, 2006 | 12:00am
Pagpapanagutin ng pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga may-ari ng mga billboards na bumagsak ng kasagsagan ng bagyong Milenyo, na nagdulot ng pagkawasak ng ilang ari-arian, pagbuwis ng buhay at matinding trapik sa ilang pangunahing lansangan ng Metro Manila lalu na sa kahabaan ng Edsa Avenue.
Ito ang ipinahayag kahapon ni MMDA General Manager Robert Nacianceno, bilang reaksiyon ng naturang ahensiya hinggil sa ilang mga billboards na bumagsak sa kahabaan ng Edsa Estrella St., sa Makati at Pasay City.
Sinabi ng naturang opisyal, na sa ilalim ng Civil Code, pinag-aaralan nilang sampahan ngayon ng multi-million damage suit ang mga taong responsable ng paglalagay ng mga billboards sa kabila na mariin itong ipinagbabawal ng nabanggit na ahensiya.
Dahil ang mga naglalakihang billboards ay mapanganib lalo na kung may mga kalamidad at nagdudulot ng traffic obstruction, ngunit ginigiit pa rin ng mga may-ari nito na ilagay ito bilang advertisement.
Ilang beses na ngang naganap ang pinangangambahan ng MMDA, katulad aniya noong Huwebes muli na namang nagkaroon ng trahedya sa kasagsagan ng bagyong Milenyo, dahil nakapaminsala na naman ang mga naglalakihang billboards.
Kung saan nasawi ang isang tsuper na nagngangalang Felipe Gumopo matapos madaganan ang minamaneho nitong Tamaraw FX.
Nawasak din ang ilang ari-arian matapos ang isang Toyota Revo at pampasaherong bus ay nabagsakan din ng billboards sa kahabaan pa rin ng Edsa at Magallanes Interchange.
Nagdulot din aniya ang mga ito ng halos dalawang araw na pagsisikip ng daloy ng trapiko sa ilang pangunahing lansangan ng MM partikular sa kahabaan ng EDSA Avenue.
Sinabi ng MMDA, na pagpapanagutin nila ang mga may-ari ng mga billboards, na dapat aniya ay mapatawan ng kaukulang parusa. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended