P325-M calamity fund sa Maynila, inaprubahan
September 30, 2006 | 12:00am
Inaprubahan na kahapon ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang may P325-M calamity fund.
Sa isinagawang special session, sinabi ni Vice-mayor Danny Lacuna na ang bahagi ng naturang pondo o ang 5 percent ng P6.5 bilyon annual budget ay gagamitin sa mga inilikas na pamilya.
Prayoridad ng nasabing budget ang may 1,500 pamilya mula sa mga lugar ng Isla Puting Bato, Baseco at Parola sa Tondo na kasalukuyan pa ring nasa Delpan Sports Complex.
Wala namang iniulat na panibagong kaso ng dengue o anumang uri ng sakit sa mga inilikas na pamilya maliban sa mga ubo at lagnat lamang. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended