Ayon sa mga nabanggit, dapat ikonsidera ng kanilang mga operators na maibaba ang kanilang mga boundary dahil sa kung panahon ng bagyo o holiday man, wala naman silang kinikitang malaki dahil wala namang gaanong pasahero bukod pa sa dinaranas na mga baha sa lansangan.
Kung maibababa nila ang kanilang boundary, malaking kagaangan sa kanilang araw-araw na kita ang anumang ibababang halaga na ire-remit na kita sa kanilang mga operators.
"Wala na talaga kaming kikitain, pagod na kami, tapos wala pang kita na dadalhin sa aming mga pamilya walang pasahero kasi may bagyo at walang pasok ang mga eskuwelahan at gobyerno," pahayag ng mga ito.
Sa ngayon, wala rin namang naging tulong sa kanila ang bumabang halaga ng gasoline at diesel dahil wala naman silang seserbisyuhang maraming mga pasahero. (Angie dela Cruz)