Mag-asawang tulak, arestado
September 28, 2006 | 12:00am
Arestado ang mag-asawang bigtime na tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga kagawad ng pulisya, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.
Kinilala ang mga nadakip na sina Larry dela Cruz, 39 at asawa nitong si Dyesebel, alyas "Baby China", tinaguriang No. 1 tulak sa nasabing lungsod at residente ng 645 Sitio Malanim, Brgy. dela Paz ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nadakma ang mga suspect dakong alas-4 ng hapon sa may Flamingo St., Midtown Subd., Brgy. Sta. Elena ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na isang pulis ang nagpanggap na posuer buyer upang kumuha ng malaking halaga ng shabu sa mag-asawang dela Cruz sakay ng kanilang Honda CRV-XSB-522.
Subalit ng maramdaman ng lalaking suspect ang presensya ng mga pulis ay agad nitong pinasakay ang kanyang asawa sa sasakyan upang tumakas. Nagkaroon ng maikling habulan sa pagitan ng mga suspect at pulisya at naaresto lang ang mga ito ng bumangga ang kotse ng una sa mobile car ng mga pulis. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest