Sinabi ni PDEA Spokesman Supt. Francisco Gabriel, na dapat nang sumuko sina Supt. Gustavo Torres at driver bodyguard nitong si PO3 Pedro Avelino upang mabigyang linaw pa ang kasong bumabalot sa likod ng nasabing kontrobersiya.
Nauna nang nasakote sina Supt. Jerome Mutia, Inspector Geofredo Padillo, mga guwardiyang sina Jil Granada at Oliver Fernandez, pawang itinuturong sangkot sa nakawan.
Ayon kay Gabriel, maaaring marami pang nalalaman si Torres para matukoy kung sinu-sino pa ang direktang may kinalaman sa ninakaw na P35 M shabu sa storage room ng PDEA noong Agosto 21.
Magugunita na may 18 opisyal at tauhan ng PDEA ang isinailalim sa polygraph at fingerprint test upang matukoy kung sinu-sino ang nasa likod ng naganap na nakawan. (Joy Cantos)