Baywalk Bodies ipinaaresto
September 27, 2006 | 12:00am
Matapos na makulong ng mahigit sa dalawang linggo sa Guam, posibleng sa Pilipinas naman mapiit ang anim na miyembro ng Baywalk Bodies. Ito ay matapos na magpalabas kahapon ng Warrant of Arrest kahapon ang Manila Regional Trial Court (RTC).
Kabilang sa mga pinapaaresto ni Manila RTC Branch 9 Judge Amelia Tria-Infante sina Ma. Eric Davantes alyas Mikaela Monteverde; Ma. Teresa Medalla a.k.a. Jeannette Joaquin; Milena Villacruz a.k.a. Ivory Ibañez; Karen Carillo a.k.a. Pantene Palamino; Victoria Santos a.k.a. Pantene Palma at Ma. Czarina Lan Rivera a.k.a. Lux Laurel na tatlong buwang buntis.
Wala namang inirekomendang piyansa ang korte laban sa anim na sexy starlets kahit na ang kaso nila ay grave scandal lamang.
Hindi naman napabilang sa kaso ang kanilang manager na si Lito de Guzman na siyang promoter ng nude scandal sa Baywalk nang magsagawa ng pictorial ang mga ito sa harap ng publiko matapos na i-dismiss ng Manila Prosecutors Office ang kaso laban dito dahil sa hindi umano ito naghubad kundi ang kanyang mga alaga lamang.
Ang pagpapalabas ng warrant of arrest ay bunsod sa pagkabigo ng mga miyembro ng Baywalk Bodies na sumipot sa mga pagdinig sa korte ng ilang beses dahil sa kasong grave scandal na isinampa ni 6th District Councilor Greco Belgica. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended