^

Metro

Trader utas sa ambush

-
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi pa nakikilalang suspect na sakay ng isang motorsiklo ang isang negosyante, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Idineklarang dead-on-arrival sa Fairview General Hospital ang biktimang si Alvin Alejo, 32, ng 3-A Teachers’ St., Mary Homes Subd., Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City. Si Alejo ay nagmamay-ari ng isang slaughter house sa Novaliches.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-2 ng madaling-araw sa kanto ng J.P. Rizal at Paguio Sts., Brgy. Sta. Lucia, Novaliches.

Nabatid na pauwi na ang biktima nang biglang harangin at paulanan ng bala ang mga suspect. Nang makitang duguan ang biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga suspect sa hindi malamang direksiyon.

Ayon sa mga awtoridad, sinisilip nila ang mga anggulo na may kinalaman ang pamamaslang sa negosyo ng biktima dahil ayon sa pamilya nito ay madalas na nakatatanggap ito ng death threats.

Sa kabila nito, sinabi ng mga awtoridad na inaalam din nila kung ang mga suspect sa pamamaslang sa negosyante ay responsable rin sa panghoholdap at pagpatay sa isang 3rd year nursing student sa Arellano University na si Diana Divina sa Murphy, Cubao, Quezon City. Ayon naman kay QCPD director Chief Supt. Nicasio Radovan Jr., inatasan niya ang kanyang mobile division na paigtingin ang checkpoint at monitoring sa mga lugar na tulad ng Novaliches at Cubao. (Doris Franche)

vuukle comment

A TEACHERS

ALVIN ALEJO

ARELLANO UNIVERSITY

AYON

BRGY

CHIEF SUPT

CUBAO

DIANA DIVINA

NOVALICHES

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with