^

Metro

Pasay mayor muling humirit

-
Hiniling muli ng suspendidong alkalde sa lungsod ng Pasay sa Court of Appeals na mapigil ang ipinataw na anim na buwang suspensiyon laban sa kanya ng Ombudsman.

Batay sa isinumiteng reply ni Mayor Peewee Trinidad sa komento ng complainant na si Brgy. Captain Juanito Delmendo, hindi pa maituturing na moot an academic ang pagpapalabas ng temporary order ng Court of Appeals 11th division kung pagbabatayan ang naging isang ruling ng Supreme Court sa kasong Miranda versus Sandiganbayan noong Hulyo 27, 2005.

Nakasaad sa nabanggit na desisyon ng Korte Suprema na ang pagpapatupad ng suspension ay isang continuing act na maaari pa ring mapigil kahit nasimulan na ang pagsisilbi nito.

Dahil dito ay iginiit ng alkalde na kahit nakapanumpa na si Councilor Allan Panaligan bilang acting mayor sa Pasay ay maaari pa ring mahabol ang TRO upang makabalik siya sa puwesto bilang isang halal na opisyal ng bayan.

Matatandaan na hindi inaksiyunan ng Court of Appeals ang petisyon ni Trinidad na agaran ang ipinataw sa kanyang suspension order bunsod umano sa maanomalyang paggawad ng kontrata sa basura sa isang kompanya.

Sa halip na maglabas ng TRO, inatasan ng korte ang CA na maghain ng komento ang kabilang panig kaugnay sa petisyon ni Trinidad. (Grace dela Cruz)

BATAY

BRGY

CAPTAIN JUANITO DELMENDO

COUNCILOR ALLAN PANALIGAN

COURT OF APPEALS

CRUZ

KORTE SUPREMA

MAYOR PEEWEE TRINIDAD

PASAY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with