^

Metro

LPG bababa ng P2.50 kada kilo sa Oktubre

-
Matapos ang sunud-sunod na rollback sa presyo ng produktong petrolyo, makakaasa naman ang publiko sa pagbaba sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) kung saan P2.50 kada kilo ang inaasahang ibabawas dito sa sunud-sunod ding rollback hanggang sa matapos ang buwan ng Oktubre.

Ayon kay LPG Marketeers Association (LPGMA) President Arnel Ty, kada linggo ay makakaasa ng P.50 sentimo na LPG price rollback na matatapos hanggang sa pagtatapos ng Oktubre.

Matatandaan na una nang nagpatupad ng rollback ang LPGMA nitong nakalipas na linggo ng P.50 kada kilo sa kanilang cooking gas. Dagdag pa ni Ty na ang pagbaba sa presyo ng LPG sa lokal na pamilihan ay bunsod na rin ng paglakas sa palitan ng piso sa dolyar at ang pagbaba rin ng contract price nito sa world market mula $560 ay naging $510 kada metriko tonelada na lamang. (Edwin Balasa)

AYON

DAGDAG

EDWIN BALASA

KADA

MARKETEERS ASSOCIATION

MATAPOS

MATATANDAAN

OKTUBRE

PRESIDENT ARNEL TY

TY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with