^

Metro

28-anyos kinatay ng pinsan

-
Pinatay sa saksak ang isang 28-anyos na binata ng kanyang binatilyong pinsan makaraang mapikon ang huli nang makialam ang una sa pag-aaway nila ng kanyang kasintahan, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Patay na nang idating sa Ospital ng Makati ang biktimang si Henry Cervantes ng 58 Guijo St., Macda Compound, Brgy. Cembo, ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong ilang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Arestado naman ang suspect na si Jake Agnunag, alyas Jec-Jec, 17, na nahaharap ngayon sa kasong homicide.

Base sa ulat ni SPO1 Lewelle Cristobal ng homicide section ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-10:15 ng gabi sa nabanggit na compound. Nauna rito, napag-alamang nag-aaway ang suspect at ang nobya nito na hindi binanggit ang pangalan hanggang sa makialam ang kanyang pinsang si Henry.

Dito nagalit ang suspect at pinagbalingan ng init ng ulo ang biktima. Mabilis na kumuha ng patalim ang suspect at walang sabi-sabing pinag-uundayan ng saksak ang kanyang pinsan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARESTADO

BRGY

GUIJO ST.

HENRY CERVANTES

JAKE AGNUNAG

LEWELLE CRISTOBAL

LORDETH BONILLA

MACDA COMPOUND

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with