Dalaga binoga sa ulo ng lover na tomboy
September 26, 2006 | 12:00am
Sabog ang ulo ng isang 23-anyos na dalaga matapos na hinihinalang barilin ng kanyang lover na tomboy at pagkatapos ay nagbaril din sa sarili ang huli sa loob ng isang motel sa Monumento, Caloocan City kamakalawa.
Patay na nang idating sa MCU Hospital ang biktima na nakilalang si Maria Mhina Mallari, ng Sitio Rosal Brgy. Niyugan, Malabon City.
Kasalukuyan namang nag-aagaw-buhay ang hinihinalang suspect na si Lilibeth Reyes, 37, ng 5th Avenue, Grace Park Caloocan.
Sa isinagawang imbestigasyon nina SPO2 Roland Mendoza at PO2 Albert Juanillo, dakong alas-7:30 ng umaga nang madiskubre ang insidente sa loob ng Room 225 ng SOGO Motel.
Ayon sa ulat, sabay na nag-check-in ang dalawa sa motel dakong alas-12:20 ng madaling- araw nitong Set. 24.
Kinabukasan na nang madiskubre ng night shift supervisor ang krimen nang magsagawa ito ng inspeksyon sa mga kuwarto sa motel.
Posibleng binaril habang nakatayo at nakatalikod ang biktima dahil sa tama ng punglo nito sa likurang bahagi ng ulo.
Matapos ito ay nagbaril naman sa katawan ang naturang tomboy na nakitang nakahandusay sa kama. Hindi pa ito nakakausap dahil hanggang sa ngayon ay wala pa itong malay sa ospital.
Malaki ang paniwala ng pulisya na posibleng nagkaroon ng matinding pag-aaway ang dalawa bago naganap ng insidente.
Narekober sa crime scene ang siyam na pakete ng tableta at kapsula na pinaniniwalaang ginamit na droga ng dalawa, cal. 45 na baril (Colt 1911), isang magazine na may lamang tatlong bala at isang slug.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am