Ayon kay Gng. Rosario Maguan, malaki ang tiwala nila sa BPP sa pangunguna ni acting chairman Teresita Domingo at sa limang miyembro nito matapos na balewalain ang petition ni Go bunga na rin ng kawalan ng merit.
Nakasaad din sa 1-pahinang resolution ni Domingo na hindi binayaran ni Go ang pamilya Maguan ng P3.6 milyon matapos na mahatulan ng life imprisonment ng Pasig City Regional Trial Court noong November 1993.
Sinabi ni Gng. Maguan, nananatiling maimpluwensiya at banta si Go sakaling mapagbigyan ang petisyon nito.
Iginiit ng pamilya Maguan na hindi naman kuwalipikado si Go na mabigyan ng parole dahil minsan na itong tumakas sa batas. (Lordeth Bonilla)