^

Metro

Petition For Executive Clemency Ibinarusa: Pamilya Maguan, nagpasalamat sa BPP

-
Nagpahayag ng pasasalamat sa Board of Pardon and Paroles (BPP) ang pamilya ng napaslang na si Eldon Maguan, De La Salle student na binaril at napatay ni Rolito Go sa isang traffic incident sa Greenhills, San Juan noong 1991 matapos na ibasura ng BPP ang petisiyon nito para sa executive clemency.

Ayon kay Gng. Rosario Maguan, malaki ang tiwala nila sa BPP sa pangunguna ni acting chairman Teresita Domingo at sa limang miyembro nito matapos na balewalain ang petition ni Go bunga na rin ng kawalan ng merit.

Nakasaad din sa 1-pahinang resolution ni Domingo na hindi binayaran ni Go ang pamilya Maguan ng P3.6 milyon matapos na mahatulan ng life imprisonment ng Pasig City Regional Trial Court noong November 1993.

Sinabi ni Gng. Maguan, nananatiling maimpluwensiya at banta si Go sakaling mapagbigyan ang petisyon nito.

Iginiit ng pamilya Maguan na hindi naman kuwalipikado si Go na mabigyan ng parole dahil minsan na itong tumakas sa batas. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BOARD OF PARDON AND PAROLES

DE LA SALLE

ELDON MAGUAN

GNG

LORDETH BONILLA

MAGUAN

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

ROLITO GO

ROSARIO MAGUAN

SAN JUAN

TERESITA DOMINGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with