^

Metro

Opisyal na sangkot sa pagpaslang kay Orsolino, sinibak

-
Sinibak at dinis-armahan kahapon ni Northern Police District (NPD) director Chief Supt. Leopoldo Bataoil si Sr. Insp. Roberto Dayag ng Special Weapon and Tactics Team (SWAT) ng Navotas matapos itong iturong sangkot sa pagkakapaslang sa newsman na si Alberto Orsolino.

Ayon kay Bataoil, ipinasya niyang ilagay sa floating status si Dayag dahil kailangan nitong kaharapin ang paglilitis sa kasong kriminal at administratibo na isinampa laban sa kanya.

Bukod kay Dayag, target din ng manhunt operation ang fishing magnate na si Lope Jimenez, ang sinasabing mastermind at mga tauhan nitong sina Manuel "Marko" Montero, Eric Fernandez, Norberto "Obet" Ponce at dalawa pang suspect na nakilala lamang sa mga pangalang Jun at Jr.

Ang mga nabanggit na suspect ay ikinanta ng self-confessed suspect na si Rommel Lirazan na naaresto kamakailan ng pulisya sa pinagtaguan nito sa Victoria, Laguna. (Rose Tamayo)

ALBERTO ORSOLINO

CHIEF SUPT

DAYAG

ERIC FERNANDEZ

LEOPOLDO BATAOIL

LOPE JIMENEZ

NORTHERN POLICE DISTRICT

ROBERTO DAYAG

ROMMEL LIRAZAN

ROSE TAMAYO

SPECIAL WEAPON AND TACTICS TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with