^

Metro

Bata kritikal sa dengue gumaling: Magic tubig!

-
Isang 9-anyos na batang babae ang himalang nakaligtas sa nakamamatay na dengue matapos umanong uminom ng tubig at kapsula matapos na maratay sa Rizal Provincial Hospital kamakailan.

Ayon kay Gng. Glenda Beloy, ina ni Aileen, 9, ng Blk. 25, Lot 3, Dilang II, Pinagbuhatan, Pasig City, isang himala ang paggaling ng kanyang anak matapos itong uminom ng tubig na inirekomenda sa kanila ng isang kapitbahay.

Sa salaysay ni Aling Glenda, tatlong araw ng nilalagnat si Aileen at kinakitaan na ito ng mga sintomas ng dengue tulad ng pagdurugo sa ilong, bibig, pamumula ng mata kasama pa rito ang pagkakaroon ng mga pasa sa buong katawan kaya di nya malaman ang kanyang gagawin. Napag-alaman niya sa nasabing ospital na nasa stage 3 na ang kanyang anak.

Dahil naging malubha ang kalagayan ng bata, isang kapitbahay naman ang nagsabi sa kanila tungkol sa buhay na tubig at kapsula na agad naman itong nakita at pagkatapos ay pinainom sa kanyang anak. Nagulat sila nang makalipas ang 15 minuto ay inilibas ng kanyang anak ang maitim na dumi, tanda ng paglabas ng toxins sa katawan nito.

Makaraan nito ay kinakitaan na ang kanyang anak ng malaking pagbabago at hindi na umano ito nanghihina at nawala na din ang pagdurugo. Makalipas ang isang araw pinauwi na ang bata at idineklara na wala ng dengue.

Ayon naman kay Dr. Ladislao Yuchongco ng Department of Health (DOH), siya mismo ay makapagpapatunay na epektibo ang Sierra Madre water, ang sinasabing Buhay na Tubig at ang kapsula na hindi lamang sa sakit na dengue kundi maging sa sakit na high blood at diabetes.

Lumilitaw din sa isang pag-aaral na sa walong gumaling sa dengue ay iisa diumano ang epekto ng buhay na tubig at kapsula sa mga pasyenteng nakagamit nito.

Matapos ang 15 minuto mula sa pag inom ay nakararanas sila ng pagdumi, epekto raw ito ng paglabas ng toxins mula sa katawan ng mga batang may dengue.

Ang maitim na dumi ay sanhi ng mga dugong dulot ng pagkakaroon ng corona virus ng mga pasyente na nagiging sanhi ng dengue. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AILEEN

ALING GLENDA

AYON

DENGUE

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. LADISLAO YUCHONGCO

EDWIN BALASA

GLENDA BELOY

PASIG CITY

RIZAL PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with