Kasunod nito ay nagbanta ang CHED na kahalintulad na aksyon ang kasasapitan ng iba pang private review center kung mabibigo itong sumunod sa requirement na bago makapag-operate ng review center ay dapat mayroong nursing school na katuwang ito.
Ayon kay CHED Chairman Carlito Puno sa susunod na taon ay nakatakda nang ipaimplimenta ng ahensya ang "implementing rules and regulations" (IRR) para sa pagre-regulate ng mga review centers at mangangahulugan ito na ang lahat ng review center ay kailangan na mag-apply ng bagong permit base sa bagong polisiya ng ahensya.
Isa sa nakatakdang ipatupad ng CHED ay ang pagkakaroon muna ng nursing school bago makapag-operate ng nursing review center, sa ganitong paraan ay kung walang makukuhang nursing school ang isang review center ay mapipilitan na ipasara ito.
Isa sa tinukoy ni Puno na review centers na maaaring maipasara ang RAGRC dahil na rin sa wala itong nursing school.
Matatandaan na noong September 8, 2006 ay nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Executive Order No. 566, "Directing the Commission on Higher Education to Regulate the Establishment and Operation of Review Centers and Similar Entities".
Sa ilalim ng E.O. 566 ay binibigyan ng kapangyarihan ang CHED na rebyuhin ang performance ng mga review centers kung saan isusumite ang report sa Office of the President.
Ang nasabing EO ay nabuo matapos na rin matukoy sa imbestigasyon sa kontrobersiyal na leakage sa June 2006 nursing exam na ilang review center ang sangkot sa leakage, dahilan sa walang nagre-regulate sa nasabing mga centers ay inatas ito sa CHED. (Edwin Balasa)