Foreman patay sa mismong birthday
September 22, 2006 | 12:00am
Naging araw din ng kanyang kamatayan ang kaarawan ng isang foreman matapos na pagtulungang pagsasaksakin ng walong lalaki na nagalit sa kanilang pagkanta sa gilid ng riles ng tren sa Tondo, Manila, kamakalawa ng gabi.
Namatay habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Bibiano Pazon, binata, ng Area A Gate 2 Parola Compound, Tondo sanhi ng tama ng saksak sa dibdib.
Nakilala naman ang dalawa sa walong suspect sa mga pangalang Caloy Lucero at Leo Lachica na tumakas matapos ang insidente. Isang manhunt ngayon ang isinasagawa ng pulisya upang madakip ang mga suspect.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa tabi ng riles sa Parola Cmpd., Tondo, Manila. Nabatid na ipinagdiriwang ng biktima ang kanyang ika-41 taong kaarawan kasama ang mga tauhan nito sa trabaho. Matapos na magkainuman, naglabas ng alak ang biktima at nagkantahan.
Dumating naman ang mga suspect na umanoy naingayan sa kantahan ng grupo ng biktima. Pinagsabihan ng mga suspect si Pazon na itigil ang kantahan dahil sa nakabubulahaw subalit hindi ito pinansin at ipinagpatuloy ang pagkanta.
Dito na pinalibutan ng mga suspect ang biktima at isa rito ang naglabas ng patalim. Pinagsasaksak ng naturang suspect ang biktima hanggang sa tuluyang bumagsak. Dito na nagkanya-kanya ng pagtakas ang mga suspect. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended