Sa loob ng sikat na condo sa Pasig: Pakistani trader todas sa sekyu
September 22, 2006 | 12:00am
Patay ang isang 65-anyos na Pakistani National makaraang pagbabarilin ng security guard na kanyang nakasagutan, kahapon ng hapon sa isang condominium sa loob ng Valle Verde Phase 6 sa Pasig City.
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala ng kalibre .38 baril sa kaliwang kili-kili at likod ang biktimang si Yousuf Saeed, retiradong free lance photographer at ngayon ay nagnenegosyo na sa bansa, residente ng Belson Manor Condominium na matatagpuan sa kahabaan ng Firefly St. Valle Verde Phase 6 Brgy. Ugong ng lungsod na ito.
Samantala, mabilis namang tumakas ang suspect na si Danilo Celso, 46, ng Cavisa Security Agency na nakatalaga sa nasabing condominium at residente ng Lot 79 Cluster Brgy. Bagong Nayon, Cogeo, Antipolo City.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong ala-1 ng hapon sa harapan ng nasabing condominium nang magtalo hinggil sa hindi mabatid na bagay ang biktima at suspect na ikinapikon ng huli.
Sa gitna ng pagtatalo ay binunot ng suspect ang kanyang kalibre .38 baril at binaril sa kaliwang kili-kili ang biktima.
Kahit may tama na sinubukan pang tumakbo ng biktima subalit sinundan pa ito ng suspect at binaril ulit sa likurang bahagi ng katawan.
Isang malawakang manhunt operation ang isinasagawa ng pulisya para sa agarang pag-aresto sa suspect.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended