^

Metro

Ex-PBA player, kinasuhan ng pangmomolestiya

-
Nahaharap sa kasong acts of lasciviouness sa Quezon City Prosecutors Office ang dating Philippine Basketball Association (PBA) player na si Emmanuel "Boybits" Victoria ng matapos umanong molestiyahin nito ang isang lounge manager noong Hulyo sa Quezon City.

Si Victoria ay inireklamo ni Rhowannie de Leon, manager ng Zeno BMW Lifestyle Lounge sa 184 E. Rodriguez Jr., Avenue, Bagumbayan, Quezon City.

Batay sa kanyang complaint-affidavit, sinabi nito na naganap ang insidente noong gabi ng Hulyo 14 at umaga ng Hulyo 15 sa loob mismo ng nasabing restaurant.

Sinabi ni de Leon na kinakausap niya ang isang guest nang bigla na lamang siyang lapitan at yakapin ni Victoria sa leeg kasabay ng pagsakal sa kanya.

Dahil sa higpit ng pagkakapulupot ng kamay ng basketbolista, nakiusap siya dito na itigil ang kanyang ginagawa. Subalit binalewala lamang ni Victoria ang kanyang pakiusap at sa halip ay sinimulan siyang halikan nito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaghihipuan din umano siya nito at pinadalhan ng mga bastos na text messages. Dahil sa pagkabigla, pinuwersa ni de Leon na makawala sa kamay ni Victoria hanggang sa ito na mismo ang mag-alis ng kamay sa una.

Sa kanyang reklamo, hinihiling ni de Leon na utusan si Victoria na bayaran siya ng P500,000 para sa moral damages; P100,000 para sa exemplary damages at P100,000 para sa attorney’s fees. (Doris Franche)

BAGUMBAYAN

DAHIL

DORIS FRANCHE

HULYO

LIFESTYLE LOUNGE

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

QUEZON CITY

QUEZON CITY PROSECUTORS OFFICE

RODRIGUEZ JR.

SI VICTORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with