4 sugatan sa amok
September 21, 2006 | 12:00am
Pawang nasa kritikal na kondisyon ngayon sa pagamutan ang apat na magkukumpare makaraang pagtatagain ng nag-amok nilang kainuman, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Nasa intensive care unit (ICU) ng Tala General Hospital sanhi ng mga taga sa ulo at ibat ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Lorenzo Rivera, 44; Fernanditas Quintas, 25; Eduardo Severino, 24 at Marvin Yanga, 29, pawang mga residente ng 665 Bagumbong ng nabanggit na lungsod.
Arestado naman at kasalukuyang nahaharap sa kasong 4 counts of frustrated homicide ang suspect na si Danilo Misa, 53 ng Block 3 Lot 5 Sagrado Ville, Caloocan City.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa loob mismo ng bahay ng suspect sa nabanggit na lugar.
Nabatid na masaya pang nag-iinuman ang mga biktima kasama ang suspect at dala ng matinding kalasingan ay nagsisigawan ang mga biktima. Sinaway ang mga ito ng suspect na hindi naman pinansin ng mga biktima.
Dahil dito ay nagwala ang suspect at dali-daling kumuha ng matalas na jungle bolo at isa-isang pinagtataga ang kanyang mga kainuman. Mabilis namang nakaresponde ang mga awtoridad at nadakip ang suspect. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended