^

Metro

Sa Nawawalang 7 Kilo Ng Shabu Sa PDEA: 2 PNP official, 2 sekyu inaresto

-
Dalawang opisyal ng Philippine National Police at dalawang security guards ang inaresto at nakatakdang imbestigahan kaugnay ng pagkawala ng pitong kilo ng shabu sa evidence room ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kinilala ni Gen. Dionisio Santiago, director general ng PDEA ang mga dinakip na sina Supt. Jerome Mutia, dating deputy ng PDEA Special Enforcement Service; Insp. Jofredo Padillo, dating nasa PDEA Laboratory Service at mga guwardiyang sina Jean Granada at Oliver Fernandez, habang pinaghahanap pa rin ang dalawa pang suspect na sina Supt. Gustavo Torres at PO1 Pedro Avelino.

Nahaharap ang mga ito sa kasong robbery, paglabag sa Sec. 5 (Delivery of Dangerous Drugs) at Sec. 11 (Possession of Illegal Drugs) at Art. 11 ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Nabatid na agad na nagdeploy si Santiago ng kanyang mga tauhan matapos na makatanggap ng tip mula kay Granada na dakong alas-5:30 ng hapon magde-deliver ng may 125 gramo ng shabu ang grupo ni Mutia sa buyer nito sa isang mall sa Fairview, Quezon City.

Ayon kay Santiago, una nang sumuko si Granada at itinuro ang dalawang police officer na mga utak ng pagnanakaw ng shabu na nagkakahalaga ng P35 milyon noong umaga ng Agosto 21,2006.

Sa pahayag ni Granada, idinaan ang shabu sa isang gate ng ahensiya na binubuksan lamang kung may okasyon. Gumamit din ang mga suspect ng bolt cutter upang sirain ang tatlong padlocks ng evidence room at saka binutasan ang screen upang makuha at mailabas ang mga iligal na droga.

Idinagdag pa ni Santiago na ang pagkakaaresto sa mga suspect ay patunay na isang inside job ang pagkawala ng mga shabu. (Doris Franche at Joy Cantos)

DIONISIO SANTIAGO

DORIS FRANCHE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

GUSTAVO TORRES

JEAN GRANADA

JEROME MUTIA

JOFREDO PADILLO

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with