^

Metro

Sa Ikalawang Aksidente: Star City ipinasara

- Angie dela Cruz, -
Inutos kahapon ni Pasay City Acting Mayor Allan Panaligan ang pansamantalang pagpapasara o pagpapatigil sa operasyon ng Star City bunga umano ng dispalinghadong makina ng ilang rides dito.

Ayon kay Panaligan, lumitaw sa inspeksiyong isinagawa ng City Engineers Office ng Pasay City na dispalinghado ang ilang rides ng Star City kabilang na ang pagkalaspag ng direct current motor ng bump car na sinakyan ng biktimang si Michaella Limuco, 3, at nagliyab dakong alas-7 kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Panaligan na kailangan niyang pansamantalang ipatigil ang operasyon nito matapos ang sunud-sunod na aksidente dito.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na sakay ang biktima ng bump car kasama ang kanyang lolang si Estrelita Limuco at tiyuhing si Christian Limuco nang biglang magliyab ang bump car at muntik nang masunog ang bata.

Dahil dito, nag-iiyak at nagpanic ang biktima na naging dahilan ng pagkakaroon nito ng trauma.

Matatandaan na sa Wild River rides naman ng Star City namatay ang 12-anyos na si Rachel Gem Suba matapos na mahulog.

Makikipag-ugnayan din ang city government sa may-ari ng Star City upang mabigyan ng sapat na suporta ang mga biktima.

CHRISTIAN LIMUCO

CITY

CITY ENGINEERS OFFICE

ESTRELITA LIMUCO

MICHAELLA LIMUCO

PANALIGAN

PASAY CITY

PASAY CITY ACTING MAYOR ALLAN PANALIGAN

RACHEL GEM SUBA

STAR CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with