Ginang todas sa pamamaril ng 2 PNP-SAF
September 19, 2006 | 12:00am
Patay ang isang 51-anyos na ginang, habang kapwa nasa kritikal na kondisyon ang dalawa pang babae nang tamaan ng bala buhat sa walang habas na pamamaril ng dalawang miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang nakilalang si Carmelita Billones, vendor ng 303 Padre Herrera St., Tondo.
Isinugod din sa pagamutan ang dalawang sugatang biktima na si Analyn Maglangcay, 25 at si Amelita Quismundo, 46, na maaaring maputulan ng binti, sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril.
Samantala, nadakip naman ang isa sa dalawang suspect na si Daniel Villanueva, habang nakatakas naman ang isa pa na nakilalang si PO2 Allan Trinidad.
Nabatid na kapwa miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) sa NCRPO ang dalawang pulis.
Ayon sa inisyal na ulat, nagsimula ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa panulukan ng P. Herrera at Wagas Sts., Tondo. Ayon sa ulat, naglalakad ang dalawang pulis nang sitahin ang isang grupo ng kabataan na kumakain sa karinderya.
Hinamon umano ng mga suspect ng away ang mga tinedyer na nagkanya-kanya namang panakbuhan.
Hindi pa nakontento ay nagpakawala ng mga bala ng baril ang dalawang pulis na ikinatama ng mga biktimang sina Billones, Maglangcay at Quismundo na nagtitinda sa naturang lugar.
Nabatid na nasa impluwensiya ng alak si Villanueva nang madakip ng mga tanod at mga tauhan ng pulisya. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended