Batay sa kanilang nakuhang dokumento, lumilitaw na Agosto 28, 2006 pa inilabas ni Secretary Ronaldo Puno ang kanyang rekomendasyon na isinumite kay Executive Secretary Eduardo Ermita upang ipataw ang anim na buwang suspensiyon kay Catindig matapos na mapatunayang nagkasala ito ng 2 counts ng administrative complaint na kinabibilangan ng paglabag sa Constitution, pang-aabuso sa kapangyarihan, opresyon at grave misconduct.
Nag-ugat ang suspensiyon ni Catindig bunga ng kasong isinampa nina Erlinda Creencia, head ng City Housing Office at Nelia Carvajal, bilang City Cooperative Officer.
Si Creencia ay inalis sa puwesto bilang City Environment and Natural Resources Officer (CENRO) samantalang si Carvajal ay tinanggal bilang City Accountant ng lungsod.
Nangangamba din ang mga ito na posibleng marami pang kawani ang maapektuhan ng patuloy na pang-aabuso sa kapangyarihan ni Catindig kung hindi maipapataw ang suspensiyon.
Kasabay nito, nanawagan din ang dalawang grupo kay Pangulong Arroyo na bigyan-pansin ang isyu upang mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo ng lokal na pamahalaan sa publiko. (Doris Franche)