^

Metro

Suspensiyon vs Mayor, hiling ipatupad

-
Kinuwestiyon ng mga kasapi ng Environment and Natural Resources Officers’ League of Laguna (ENROLL) at mga opisyal at miyembro ng Laguna Association of Local Government Accountants ang hindi pagpapatupad ng suspensiyon kay Sta. Rosa, Laguna Mayor Jose Catindig, Jr. sa kabila na rin ng ipinalabas na rekomendasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong nakaraang buwan.

Batay sa kanilang nakuhang dokumento, lumilitaw na Agosto 28, 2006 pa inilabas ni Secretary Ronaldo Puno ang kanyang rekomendasyon na isinumite kay Executive Secretary Eduardo Ermita upang ipataw ang anim na buwang suspensiyon kay Catindig matapos na mapatunayang nagkasala ito ng 2 counts ng administrative complaint na kinabibilangan ng paglabag sa Constitution, pang-aabuso sa kapangyarihan, opresyon at grave misconduct.

Nag-ugat ang suspensiyon ni Catindig bunga ng kasong isinampa nina Erlinda Creencia, head ng City Housing Office at Nelia Carvajal, bilang City Cooperative Officer.

Si Creencia ay inalis sa puwesto bilang City Environment and Natural Resources Officer (CENRO) samantalang si Carvajal ay tinanggal bilang City Accountant ng lungsod.

Nangangamba din ang mga ito na posibleng marami pang kawani ang maapektuhan ng patuloy na pang-aabuso sa kapangyarihan ni Catindig kung hindi maipapataw ang suspensiyon.

Kasabay nito, nanawagan din ang dalawang grupo kay Pangulong Arroyo na bigyan-pansin ang isyu upang mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo ng lokal na pamahalaan sa publiko. (Doris Franche)

vuukle comment

CATINDIG

CITY ACCOUNTANT

CITY COOPERATIVE OFFICER

CITY ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES OFFICER

CITY HOUSING OFFICE

DORIS FRANCHE

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES OFFICERS

ERLINDA CREENCIA

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with