^

Metro

Pulitika motibo sa pamamaslang sa aide ni Binay

-
Malaki ang paniniwala ni Makati Mayor Jejomar Binay na pulitika ang motibo ng pamamaslang sa kanyang close-in security officer matapos itong tumanggap ng impormasyon mula sa ad hoc group na may operasyon laban sa kanya at sa alkalde sa naturang lungsod.

Ayon kay Binay, may kulay pulitika ang ginawang pagpaslang kay Pablo "Lito" Glean, hepe ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Makati dahil malapit ito sa kanya na mensahe din upang tumigil na siya (Binay) sa pambabatikos sa administrasyong Arroyo.

Iginiit ni Binay na maituturing na classified political killing ang pagpatay sa kanyang top security na ikinadamay din ng isang security guard ng convinience store sa Shell Gasoline Station na si Benhur Bernados, 36 at ikinasugat naman ng tatlong miyembro ng Bagwis Riding Club.

Napag-alaman kay Binay na tatlong linggo bago mapatay si Glean ay may nakalap silang impormasyon na may grupong "Task Force Spider" at "Operation Phoenix" ang magsasagawa ng special operation upang likidahin ang mga kalaban sa pulitika ng administrasyon.

Kabilang sa assassination plot ang paglikida umano sa alkalde at kay Glean.

Sinabi ni Binay na agad siyang sinampolan matapos na ibaba ng Malakanyang ang order kung saan pinagpaliwanag siya hinggil sa isyu ng ghost employees na posibleng maging batayan ng kanyang suspensiyon.

Ayon naman kay Sr. Supt. Alfred Corpus, hepe ng Taguig Police, patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang mga suspect at motibo sa pamamaslang. (Lordeth Bonilla)

ALFRED CORPUS

AYON

BAGWIS RIDING CLUB

BENHUR BERNADOS

BINAY

BUSINESS PERMIT AND LICENSING OFFICE

LORDETH BONILLA

MAKATI MAYOR JEJOMAR BINAY

OPERATION PHOENIX

SHELL GASOLINE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with