Amok: 2 patay, pulis sugatan
September 17, 2006 | 12:00am
Dalawa katao ang nasawi kabilang ang isang 27-anyos na lalaking nag-amok, habang nasa kritikal namang kalagayan ang isang pulis makaraang magwala at mamaril ang lasing na suspect nang sitahin dahil sa pagdadala nito ng baril, kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.
Namatay noon din sanhi ng tinamong tatlong tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang suspect na si Jose Dolyesin, ng 184 Blk 14, Welfareville Compound Brgy. Addition Hills ng nasabing lungsod.
Patay din ang bystander na si Romeo Zapanta ng apat na beses na pagbabarilin ng una, habang nasa kritikal namang kondisyon si PO1 Carlo Doronila, nakatalaga sa Traffic Management Group ng Camp Crame na tatlong ulit ding pinagbabaril ng suspect.
Sa ulat naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa kahabaan ng Poblacion St. Lasing umano at nagsisigaw ang suspect habang hawak ang isang kalibre .38 baril dahil sa gusto nitong ipaghiganti ang kapatid na namatay.
Eksakto namang napadaan sa lugar si PO1 Doronila kaya sinita nito ang suspect sa pagdadala ng baril.
Doon nagalit ang suspect sabay bunot sa kanyang baril at pinagbabaril ang pulis, hindi pa nakuntento ay pinagbabaril din nito ang lahat ng makitang tao at minalas na napuruhan si Zapanta.
Kahit sugatan nagawa pa ni Doronila na bunutin ang kanyang service firearm at pinagbabaril ang suspect na naging sanhi ng kamatayan nito. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended