1 pa itinumba ng vigilante
September 17, 2006 | 12:00am
Isang umanoy kilabot na miyembro ng holdup and robbery group ang pinaniniwalaang nilikida ng vigilante death squad, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Nakilala ang biktima sa pangalang Roniel Salud, 35, na nagtamo ng dalawang tama ng bala mula sa .45 kalibre ng baril sa ulo nito.
Batay sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa madilim na bahagi ng Dhalia corner Rosal St., Sampaguita Village, Caloocan City.
Narekober naman ng Scene of the Crime Operations (SOCO), ang tatlong empty shells ng .45 kalibre ng baril malapit sa bangkay ng biktima.
Isang sulat din ang natagpuan sa bangkay ng biktima na may nakasaad na "Mga kriminal lumabas na kayo ng Caloocan at wag ninyo akong pamarisan.
Nabatid pa na kilala umano ang biktima bilang isang kilabot na miyembro ng holdup and robbery group.
Gayunman, isang masusing imbestigasyon naman ang kasalukuyang isinasagawa ng pulisya hinggil sa nasabing krimen. (Rose- Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended