Tanod dinukot ng 4 na armado
September 17, 2006 | 12:00am
Palaisipan sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagdukot sa isang Muslim na volunteer tanod ng hindi pa nakikilalang mga kalalakihan na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Kinilala ng pulisya ang dinukot na si Amino Amen, 23, tubong Marawi City at residente ng Siangko St., Brgy. Kamuning, Quezon City.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng QCPD-Kamuning Police Station nagpapatrulya dakong alas-2 ng madaling araw ang biktima kasama pa ang dalawang tanod nang biglang harangin ng mga suspect sa harap ng QueenBee Bar sa T. Morato Avenue.
Apat sa mga suspect ang bumaba ng kotse at tinutukan ng baril si Amen at sapilitang isinakay sa dala nilang sasakyan.
Mabilis na pinaharurot ng mga suspect ang sasakyan dala ang biktima.
Hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay wala pang natatanggap na tawag ang kaanak ng biktima buhat sa mga suspect.
Hindi pa rin malinaw sa pulisya kung ano ang posibleng motibo sa isinagawang pagpaslang. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended