Aide ni Binay, 1 pa patay sa ambush
September 17, 2006 | 12:00am
Patay ang chief security ni Makati City Mayor Jejomar Binay matapos na tambangan ng apat na armadong kalalakihan sa Taguig City kahapon ng umaga.
Isa pa ang nasawi sa insidente, habang tatlo pa ang nasugatan.
Namatay noon din si Pablo "Lito" Glean, chief security ni Binay na hepe rin ng Business Permit and Licensing Office ng Makati City Hall. Nagtamo ito ng maraming tama ng bala buhat sa kalibre .45 baril sa katawan at ulo.
Nasawi rin sa insidente si Benhur Radam Bernados, 36, Shell security officer.
Tatlo pa umanong bikers ang nasugatan sa pananambang na nakilalang sina Socrates Galpo, 42; Albert Gigante, 35 at Felix Santiago na ginagamot sa Makati Medical Center.
Mabilis namang nagsitakas ang apat na hindi pa nakikilalang suspect lulan ng isang taxi matapos ang isinagawang krimen,
Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO2 Dennis Salopagio, ng Criminal Investigation Unit ng Taguig City Police, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa harap ng Shell Select sa 32nd Avenue Global City, Taguig City.
Nabatid na katatapos lamang mag-biking ng mga biktima at nagkape sa naturang convenience store ng Shell sa nabanggit na lugar nang biglang lapitan ng mga suspect at walang sabi-sabing pinaulanan ito ng putok ng baril.
Ayon sa mga testigo, talagang siniguro ng mga suspect na mapapatay ang biktima dahil sa hindi ito tinantanan nang pagpapaputok hanggang sa humandusay.
Nabatid na si Glean ay sinasabing kanang kamay ni Binay at miyembro ng Taguig Bikers Association.
Malaki ang hinala ng pulisya na matagal nang sinusubaybayan ng mga suspect ang biktima na palaging nagkakape sa naturang lugar matapos magbisikleta.
Hindi pa malinaw kung ano ang posibleng motibo sa naganap na pananambang, habang isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng mga awtoridad para sa ikadarakip ng mga suspect.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended