Sindikato sa LTFRB, nabuwag: 3 timbog
September 16, 2006 | 12:00am
Tatlong babae na pinaniniwalaang miyembro ng isang sindikato na kumikilos sa loob ng LTFRB ang inaresto ng mga tauhan ng NBI matapos na tumangay ng daan-libong pera buhat sa isang taxi operator sa isinagawang entrapment operation sa Pasay at Makati kamakailan.
Nakilala ang mga suspects na sina Milagros Parguin Keh; Ma. Victoria Bongato at Ma. Corazon Buenafe.
Isinagawa ang pag-aresto matapos na humingi ng tulong sa NBI-Special Action Unit ang biktimang si Cynthia Cabrera na nag-a-apply ng prangkisa para sa kanyang anim na unit ng taxi sa LTFRB.
Si Keh umano ang kumausap sa biktima na nagmalaki na isa siyang mataas na opisyal ng LTFRB at kaya niyang madaliin ang pagpapalabas ng "certificate of public convenience" para kay Cabrera sa halagang P255,000. Binayaran naman ito ng biktima mula Abril 25 at nitong Mayo 11 sa loob ng LTFRB canteen sa Quezon City kung saan iniisyuhan siya ng suspect ng resibo.
Nitong nakaraang Hunyo, iniabot ng suspect ang anim na certificate para sa mga taxi ngunit aabot pa umano sa isang buwan bago mailabas ang "order to operate". Nagtungo naman si Cabrera sa LTFRB upang alamin kung anong petsa ilalabas ang "order to operate" ngunit nabigla nang malaman na pawang peke ang sertipiko na ibinigay sa kanya ni Keh.
Lingid ito sa kaalaman ni Keh na noong Setyembre 13 ay nanghingi pa ng karagdagang P150,000 para mailabas ang mga papeles. Pumayag ang biktima subalit nagsumbong na ito sa NBI na agad nagplano ng entrapment operation. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended