^

Metro

Koreano natagpuang patay sa loob ng sasakyan

-
Isang 55-anyos na Koreano ang natagpuang patay sa loob ng kanyang sasakyan matapos itong magtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Sa ulat ng pulisya, nakilala ang biktima na si Keun Gi Bae sa pamamagitan ng driver’s license nito na nakita sa kanyang pitaka.

Natagpuan rin sa pitaka ng biktima ang isang ID na may pangalang Lim Chui Hwan, presidente ng United Korean Business Association.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-3 ng madaling-araw namataan ng guwardiyang si Henry Untukan na sumalpok sa isang poste ng Meralco ang isang kulay puting Toyota Cressida na may plakang UUG-473 sa panulukan ng J. Velasquez at L.P. Leviste Sts., Salcedo Village, Makati City.

Namataan din nito na lumabas ang isang lalaki mula sa naturang sasakyan. Nang tunguhin ito ang kotse ay doon nakita ang duguang katawan ng Koreano kung kaya’t agad niya itong inireport sa pulisya.

Nagtamo ang biktima ng sampung saksak sa katawan. Inaalam pa ng pulisya kung ano ang posibleng motibo sa pagpaslang sa dayuhan at kung sino ang maaaring may gawa nito. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

HENRY UNTUKAN

KEUN GI BAE

KOREANO

LEVISTE STS

LIM CHUI HWAN

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

SALCEDO VILLAGE

TOYOTA CRESSIDA

UNITED KOREAN BUSINESS ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with