Rapist na holdaper gumagala sa Maynila
September 16, 2006 | 12:00am
Nagbabala ang Manila Police District (MPD) sa publiko partikular na sa mga kababaihan na mag-ingat sa gumagalang notoryus na holdaper na isa ring rapist sa paligid ng Manila City Hall matapos na mambiktima na naman ito ng isang 18-anyos na dalaga sa isang madamong bahagi ng Arroceros, kamakalawa ng umaga.
Itinago ni Inspector Anita Araullo, hepe ng MPD Womens and Children Desk ang biktima sa alyas na Anna, college student at residente ng Paete, Laguna.
Pinaghahanap naman ang suspect na kinilala lamang sa alyas na Bunso at Roy, tinatayang nasa 35-40-anyos, may taas na 5 talampakan.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, nabatid na lumuwas ng Maynila ang biktima matapos na magtampuhan ng kanyang ina noong Setyembre 13. Dakong alas-12 ng hatinggabi nang makarating ito sa Plaza Lawton sa Ermita, Maynila at nagpaikut-ikot sa lugar. Dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang maglakad ito patungo sa Light Rail Transit nang lapitan ng suspect at tutukan ng patalim sa may P. Burgos St., tapat ng Manila City Hall.
Kinuha ng suspect ang cellphone at pera ng biktima ngunit hindi pa ito nakuntento at kinaladkad pa si Anna sa madlim na bahagi ng isang center island kung saan doon ito hinalay.
Nakatawag-pansin naman sa mga dumaraan ang paghingi ng saklolo ng biktima kaya napilitang tumakas ang suspect.
Ayon sa ilang saksi na nakakakilala sa suspect, isang matinik na holdaper si Bunso at kapag babae ang biktima ay kanya pang hinahalay o kaya ay minomolestiya. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended