Kaugnay nito, nadakip ang gunsmith na si Luisito Marcos, 44, ng 345 Lot 7 Kalsadang Bato, Imus, Cavite. Pinaghahanap naman ang kapatid nito na si Arnel Marcos.
Ayon kay Atty. Romulo Asis, ng Anti-Terrorism Division, nakatanggap sila ng impormasyon ukol sa ilegal na paggawa at pagbebenta ng ibat ibang uri ng baril sa Cavite.
Isinagawa ang pagsalakay sa bisa ng search warrant na inisyu ng Manila RTC.
Kabilang sa nasamsam ang 17 hand-gun na na kalibre .45, .380, .30 at .32; anim na pirasong M-16 rifle, cal. 30 rifle, cal. 22 at cal. 12 shotgun, mga bala, silencers at mga parte ng mga baril.
Naberipika pa na una nang naaresto si Luisito nitong Enero 22, 2006 sa pareho ring operasyon at nasampahan ng kaso sa Imus, Cavite RTC. (Danilo Garcia)