^

Metro

Gawaan ng mga baril, ni-raid ng NBI

-
Sinalakay ng mga tauhan ng NBI ang isang ilegal na pagawaan ng mga matataas na kalibre ng baril na gamit ng mga sindikato sa isang operasyon sa Cavite City.

Kaugnay nito, nadakip ang gunsmith na si Luisito Marcos, 44, ng 345 Lot 7 Kalsadang Bato, Imus, Cavite. Pinaghahanap naman ang kapatid nito na si Arnel Marcos.

Ayon kay Atty. Romulo Asis, ng Anti-Terrorism Division, nakatanggap sila ng impormasyon ukol sa ilegal na paggawa at pagbebenta ng iba’t ibang uri ng baril sa Cavite.

Isinagawa ang pagsalakay sa bisa ng search warrant na inisyu ng Manila RTC.

Kabilang sa nasamsam ang 17 hand-gun na na kalibre .45, .380, .30 at .32; anim na pirasong M-16 rifle, cal. 30 rifle, cal. 22 at cal. 12 shotgun, mga bala, silencers at mga parte ng mga baril.

Naberipika pa na una nang naaresto si Luisito nitong Enero 22, 2006 sa pareho ring operasyon at nasampahan ng kaso sa Imus, Cavite RTC. (Danilo Garcia)

ANTI-TERRORISM DIVISION

ARNEL MARCOS

AYON

CAVITE

CAVITE CITY

DANILO GARCIA

ENERO

ISINAGAWA

KALSADANG BATO

LUISITO MARCOS

ROMULO ASIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with