Bomba Sa Airport Itinanggi: Bomb expert lumutang na sa NBI
September 14, 2006 | 12:00am
Personal na itinanggi kahapon ng bomb expert na si Samson Macariola sa National Bureau of Investigation (NBI) ang ulat na nagpasok siya ng bomba sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Agosto 14.
Nagtungo sa opisina ni Regional Director Reynaldo Esmeralda, hepe ng NBI Special Task Force si Macariola at nagsumite ng apat na pahinang affidavit ukol sa naturang isyu.
Partikular na iginiit nito ang pagtanggi sa lumabas na artikulo na nakapagpasok siya ng bomba sa loob ng isang eroplano na may biyaheng Manila-Davao. Hindi umano siya gagawa ng anumang ilegal at ilalagay sa kapahamakan ang mga inosenteng pasahero ng eroplano.
Hindi rin umano siya puwedeng sampahan ng anumang kaso dahil pawang "hearsay" lamang ang naglabasang ulat.
Si Macariola ay nagsisilbing consultant at lecturer sa firearms at explosives ng NBI, NBI Academy, PNP-Davao City at PNP Aviation Security Group at Task Force Davao na pinamumunuan ni Mayor Rodrigo Duterte.
Inihayag din nito na nakipagkita na si NAIA General Manager Alfonso Cusi kay Duterte na itinanggi naman na nagbigay siya ng awtorisasyon kay Macariola para magsagawa ng security test sa airport. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended