Salvage victim natagpuan sa Maynila
September 14, 2006 | 12:00am
Isang lalaki na may alyas na "Vina Morales" ang natagpuang patay sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan kahapon ng umaga sa Quiapo, Maynila.
Inaalam pa ng pulisya ang tunay ng pangalan ng biktima na nasa gulang na 20-25 anyos, may taas na 54 talampakan, payat, maputi. Kapuna-puna rin ang pangalang "Vina Morales" na naka-tattoo sa palibot ng kanyang pusod.
Ayon sa ulat, dakong alas-10 ng umaga nang matagpuan ang bangkay sa harapan ng Colex Merchandise Hardware sa 840 Arlegui St., Quiapo.
Nadiskubre ito ni Jessan Chua, 45, helper sa nasabing hardware nang makitang biglang bumagsak ang biktima sa harapan ng kanilang tindahan.
Isa sa teorya ng pulisya sa naturang krimen ay ang anggulong onsehan sa droga na siyang talamak sa lugar at maging panghoholdap. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended