^

Metro

P900-M taglay na yaman ng shabu tiangge owner sa Pasig

-
Umaabot sa 900 milyong piso ang kinita ni Amim Imam Buratong, may-ari ng shabu tiangge sa Pasig City sa loob lamang ng limang taon nitong pamamayagpag.

Ayon sa isang mataas na opisyal ng pulis na hindi nagpabanggit ng pangalan, bukod sa milyun-milyong halaga ng bahay sa mga sikat na subdibisyon sa Metro Manila at limang mamahaling sasakyan na galing pa sa ibang bansa ay mayroon ding rice mill sa isang probinsiya si Buratong.

Dagdag pa nito na mayroon ding bank account sa isang bangko si Buratong na nakapangalan sa kanyang driver na isang malapit na kamag-anak na nagkakahalaga ng P65 milyon.

Napag-alaman na nagsimula si Buratong bilang small time drug peddler noong 1997 sa Pasig City at nakakuha ito ng malaking break noong kasagsagan ng May 2004 election matapos na mag-uwian sa kani-kanilang bayan ang mga drug lord upang kumandidato.

Doon lalong lumakas ang shabu tiangge ni Buratong na napag-alamang kumikita ng milyon sa araw-araw nitong operasyon.

Naging bulag din ang kapulisan matapos na mapag-alamang nakapatong ang ilang opisyal sa ilegal na aktibidades ng suspect na binibigyan nito ng intelihensiya.

Si Buratong ay kabilang na sa most wanted list sa bansa at may patong na P.5 milyon sa ulo nito. (Edwin Balasa)

AMIM IMAM BURATONG

AYON

BURATONG

DAGDAG

EDWIN BALASA

METRO MANILA

NAPAG

PASIG CITY

SI BURATONG

UMAABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with