Mister dinedo matapos mag-withdraw sa ATM
September 13, 2006 | 12:00am
Patay ang isang 28-anyos na kawani na hinoldap at pinagbabaril matapos na mag-withdraw sa isang ATM machine, kamakalawa sa bayan ng Pateros.
Nakilala ang nasawi na si Nicky Kaagay, na nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan.
Si Kaagay ay pinagbabaril sa harap mismo ng kanyang misis at dalawang anak.
Mabilis namang tumakas ang suspect na nakilala lamang sa pangalang Reyann Besid.
Sa imbestigasyon ng Pateros Police, naganap ang insidente dakong alas-3 ng hapon sa kahabaan ng M. Lozada St., Brgy. Santo Rosario Silangan ng nabanggit na bayan.
Nabatid sa ulat na katatapos pa lamang mag-withdraw ng pera sa isang ATM machine ng biktima kasama ang misis na si Mary Ann at dalawang anak nang biglang sumalakay ang suspect na armado ng baril.
Walang sabi-sabing pinagbabaril nito ang biktima at saka agad na kinuha ang dala nitong envelope ng pera at pagkatapos ay mabilis na tumakas.
Isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinagawa ng pulisya para alamin kung tunay na pera lamang ang pakay ng suspect sa biktima o may iba pang motibo ito.
Isang manhunt operation ang inilunsad ng pulisya laban sa tumakas na suspect. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended