^

Metro

Nursing student binoga sa bar, patay

-
Nasawi ang isang 29-anyos na nursing student makaraang pasabugin ang ulo nito ng kanyang kainuman habang ang una ay umiihi sa palikuran ng isang bar, kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Patay na nang idating sa Fatima Medical Center ang biktimang si Dandel Sindatok, residente ng 120 M.H. del Pilar St., Brgy. Tugatog ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat, dakong ala-1:45 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng King Rap Disco and KTV Bar na matatagpuan sa kahabaan ng E. Rodriguez St., Brgy. Santulan, Malabon City.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya na unang nakipag-inuman ang biktima sa isang Alexis Manalac sa loob ng nasabing establisimento.

Nang magpaalam umano ang biktima kay Manalac upang tumungo sa comfort room ay isang hindi kilalang lalaki ang sumunod dito.

Ayon sa mga saksi, agad na pinagbabaril sa ulo ng nasabing salarin ang noon ay nakatalikod at umiihing biktima.

Duguang bumagsak sa sahig ang biktima dahilan upang magkagulo ang mga kostumer sa loob ng nasabing bar, habang mabilis namang tumakas ang suspect.

Kahapon sumuko naman sa pulisya ang kainuman ng biktima na si Manalac na umaming siya ang bumaril at nakapatay sa kainumang si Sindatok.

Isang masusing imbestigasyon naman ang kasalukuyang isinasagawa ng pulisya upang alamin ang motibo sa isinagawang pagpaslang. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ALEXIS MANALAC

AYON

BRGY

DANDEL SINDATOK

FATIMA MEDICAL CENTER

KING RAP DISCO

MALABON CITY

MANALAC

PILAR ST.

RODRIGUEZ ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with