P.5M tangay: Sangay ng Western Union hinoldap
September 10, 2006 | 12:00am
Tinatayang kalahating milyong piso ng pera at cellphone ang natangay ng limang armadong kalalakihan matapos holdapin ng mga ito ang isang sangay ng Western Union Money Transfer (WUMT) kahapon ng umaga sa Ermita, Manila.
Ayon kay Joycelyn Pacia, 27, manager ng E-Biz WUMT na matatagpuan sa #537 Aurora Plaza Bldg. sa Padre Faura St., Ermita, bandang alas-10:30 ng umaga nang maganap ang insidente.
Lumalabas sa imbestigasyon ni PO2 Ferdinand Leyva ng Manila Police District (MPD) Station 5, nagsasagawa umano ng business transaction ang tanggapan nang pumasok ang dalawa sa mga suspect at nagkunwaring mga kostumer.
Isa sa mga suspect ang lumapit umano sa teller ng establisimyento, habang ang isa pa ay lumapit naman sa guwardiyang si Christie Loja upang humingi ng withdrawal slip.
Subalit nang tumalikod na si Loja ay tinutukan na umano siya sa batok ng baril ng suspect at saka nagdeklara ng holdap. Dito na biglang pumasok ang tatlo pang kasama ng mga suspect na armado ng ibat ibang uri ng baril at inutusan ang mga kostumer na magsidapa bago kinuha ang mga cellphone ng mga ito.
Tinataya namang aabot sa $10,000 at dalawang cellphone o mahigit sa kalahating milyong piso ang natangay ng mga suspect na pawang mga military umano ang itsura.
Matapos ang panghoholdap ay mabilis na tumakas ang mga suspect sakay ng motorsiklo. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended