Obrero pisak sa isang toneladang bakal
September 10, 2006 | 12:00am
Nasawi ang isang 24-anyos na obrero matapos itong mabagsakan ng isang toneladang bakal na aksidenteng gumuho sa stockyard ng isang construction company kahapon ng umaga sa Ermita, Maynila.
Dead-on-the-spot sa lugar ng insidente ang biktimang si Rolando Abalgar ng #179 Pag-asa St., Caloocan City.
Base sa imbestigasyon ni Det. Paul Dennis Javier ng Manila Police District (MPD) Homicide division, bandang alas-9:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa stockyard ng SKI Construction company sa may panulukan ng Flores St. at UN Avenue, Ermita, Manila.
Sa salaysay ni Mark David Lominoque, leadman ng SKI, kasalukuyan umanong inililipat nila ang mga steel bar na gagamitin sa Mayfair Tower project na nakasalansan nang tumuntong umano ang biktima sa ibabaw nito at naapakan ang isang bigkis ng bakal na naging dahilan upang mahulog at mabagsakan ito.
Tumitimbang umano ang mga steel bar ng isang tonelada o 1,000 kilo na may habang 12 metro na siyang naging sanhi ng agarang kamatayan ni Abalgar.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung may foul play sa pagkamatay ng biktima. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended