^

Metro

MPD cops vs Quiapo vendors: 7 sugatan

-
Pito ang nasugatan, kabilang ang isang vendor at anim na miyembro ng Manila Police District-District Intelligence and Investigation Division (MPD-DIID) sa naganap na sagupaan ng magkabilang panig matapos ang isinagawang raid ng mga awtoridad sa pornographic materials sa Quiapo, Maynila kahapon ng umaga.

Base sa ulat ni Supt. Romulo Sapitula, hepe ng DIID, bandang alas-10 ng umaga nang i-dispatch niya ang kanyang mga tauhan sa kahabaan ng Arlegui corner Gunao St., Quiapo para sa isang anti-smut at pornographic material operation dahil sa reklamo ng mga religious group na talamak at lantaran ang bentahan ng mga porno VCDs at DVDs sa nasabing lugar.

Subalit habang kinukumpiska na umano ng mga operatiba ng DIID ang mga pornographic materials ay bigla na lamang dumating ang isang grupo ng mga kalalakihan at bigla na lamang nagpaulan ng mga bato at bote, dahilan upang umatras ang grupo ng una.

Habang umaatras umano ang mga operatiba ng DIID ay mayroon pang isang grupo ng mga kalalakihan na dumating na armado ng mga patalim, bato, bote at mga pamalo at nakisali sa naunang grupo.

Nasa kalagitnaan ng kaguluhan nang bigla na lamang umanong inagaw ng dalawang hindi kilalang lalaki ang baril ni PO2 Ritchie Yapit kaya’t nagkaroon ng agawan sa pagitan ng mga ito hanggang sa makarinig na lamang umano ng sunud-sunod na putok sa gitna ng kaguluhan.

Bunsod nito kaya’t napilitan na rin umanong magpaputok ang mga operatiba ng DIID bilang warning shot.

Matapos ito ay duguang bumulagta si Edris Manggis, isang vendor na tinamaan ng ligaw na bala at kasalukuyang ginagamot sa PGH, samantalang ginagamot din sa Ospital ng Maynila sina PO2 Russel Antonio, PO2 Reynaldo Mallari, PO2 Cornelio Vicente, PO2 Gregorio Lopez, PO2 Mark Anthony Vitales at PO2 Yapit na nasugatan dahil sa nasabing insidente. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

CORNELIO VICENTE

EDRIS MANGGIS

GEMMA AMARGO-GARCIA

GREGORIO LOPEZ

GUNAO ST.

MANILA POLICE DISTRICT-DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

MARK ANTHONY VITALES

MAYNILA

PO2

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with