Pekeng inspektor sa Manila City Hall, timbog
September 8, 2006 | 12:00am
Nagbabala ang Manila Police District sa mga may-ari ng establisimento sa lungsod sa bagong modus-operandi ng mga nagpapanggap na inspektor ng Manila City Hall na humihingi ng pera para sa renewal ng mga permit nito matapos na madakip ang isang suspect sa entrapment operation kamakalawa ng hapon. Nakilala ang suspect na si Ferdinand Fernandez, alyas Engr. Roberto Villanueva ng Manila Promotion and Development Office.
Ayon sa ulat, nagtungo si Fernandez sa opisina ng Chain Glass Enterprises at nagpakilalang inspektor ng Manila City Hall. Kumpleto pa umano ang uniporme na may logo ng city hall at nagpakita pa ng mission order at identification card kay Rose Altea, accountant ng kompanya ang suspect. Dito ipinakita nito ang komputasyon para sa renewal ng permit sa signboard ng kompanya na umaabot sa P5,215 subalit tumanggi si Altea. Nagtungo naman sa tanggapan sa city hall si Altea para beripikahin ang pagpapadala nila ng tauhan ngunit nagulat ito nang harapin ng tunay na Engr, Roberto Villanueva. Dito na isinagawa ang entrapment operation laban sa pekeng inspektor. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest